Talaarawan
July 27, 2011Monday nakatulala sa pc ko nag-aantay ng pm mo…
Tues nakatulala sa cellphone, baka sakaling maligaw ang text mo…
Wednesday nag-aantay ng plano para sa friday gala, para naman makita kita..
Thursday, nag-dadasal na sana matapos na ang araw para naman friday na …
Friday…. Masaya ako kasi alam ko makikita kita
Saturday, matutulog lang ako para mapaginipan ko yung memory ng magkasama tayo
Sunday!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaa nababaliw na ako!
Jan. 10
Hay college! ayoko nanamang pumasok.. ayoko nanaman gumawa ng projects! tinatamad na
ako mag-aral kung pwede lang sabihin kay mama na dito na lang ako sa bahay at mag tatrabaho
na lang ako.. Kaya ko naman siguro buhayin sarili ko. Nagkakapera naman ako sa mga
art crafts ko.. Saka sa pagtugtog, sa pag-paint, sa pag-susulat.. sa paglu.. oo nga pala
hindi ako marunong mag-luto erase erase erase…
Jan. 23
10:00 am
Yehey! aga natapos ang exam
tambay dito sa library baka makakita ng book na makakatulong
naman sa pagpatay ng oras ko. Naman 3 oras pa ang itatambay ko para sa next class.
7:00 pm
Masaya akong nakauwi ng bahay. May new classmate kami sa english101 feeling ko nag-kita na kami..
12:00 am
OMG!! naalala ko na kung sino sya! waaaaaaaaaaa.. GOODNIGHT
Jan.24
Excited ako pumasok para sa English class namin kasi… kasi may gusto akong makita
1:30 pm
2 seats lang ang pagitan namin kanina … kilala pa ka nya ako?
Jan 28
Waaa mag ka group kami sa class kanina at naki seat-in pa sya para sa science class namin.. sa darating
na foundation day mas matagal ko sya makakasama.. Kasi pinili nyang makigrupo samin
feeling ko naaalala na nya ako, hindi lang nya inaamin..
Feb. 2
Nandito sila kanina para sa group project namin! late na sya dumating ..pero at least dumating parin sya! lungkot ko nga eh kasi akala
ko hindi na sya pupunta
pero siguro naman concern rin sya sa grade nya.. Sabay sila ni Janine,
bigla ko nga naisip sana pala nag umattend ako ng mass kanina, kasi dun sila nagkita . Edi sana nakasabay ko rin sya!
naman ! T_T
Feb.6
Sumabay sya samin sa break time!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Feb.8
Halos malapit lang pala yung bahay nya sa school! at halos magkapitbahay lang din sila ng bestfriend ko! waa
Hahaha parang mas madalas ako mapapatambay sa bahay nila Jha
Feb.10
Oo na! nahihirapan na ako! nahihirapan na ako mag-isip kung anong ibibigay kong Valentines gift para sakanya.
malay ko ba kung ano gusto nya. Saka baka naman ano pa isipin nya.. Saka baka naman kapag malaman nya layuan na nya ako.
Feb.11
Nagpasama ako kay Janine sa Divisoria para bumili ng turtle.. bakit turtle? naalala ko kasi nung
kinder kami sa may playroom lagi nyang dala yung alaga nya na poy daw ang pangalan.. Well, sinabi
ko na lang kay Jha na gift namin yun para sakanya, kasi lagi nya kaming treat every friday jamming
Then the other day nung papunta ako kila Jha nakasalubong ko sya pauwi sakanila may dala dala rin syang turtle. Ahaha si poy parin kaya yun?
Gusto ko sana sya batiin kaya lang natulala lang ako nung pagdaan nya naman!.. Pero ang pinaka masaya sa non..
Binati nya ako kaya bumalik ako sa katauhan ko
“hanginin ka dyan. Nakatulala ka lang”
weeeeeeeeeeeeeeee!!!
Feb.14
May gift sya sakin!!!!!!!!!!! waaaaaaaaaaaaaaa waaaaaaaaaaaaaaa waaaaaaaaaaaaaaaaa
Ayoko pa basahin nakakainis!! waaaaaaaaaaaa kinakabahan ako hahahah hindi ko alam kung ano gagawin ko!
mamatay na ako sa kilig!
Nakatayo lang ako kanina sa may library kanina. Nag-iisip kung pano ko ibibigay sakanya yung gift ko
Pag lingon ko andun na sya sa likod ko nakatingin na sakin :”> Tapos sabay nyang inabot yung letter and flowers!!
waaa.. Sabi nya sakin! ” Sorry ah.. Nahihiya akong lumapit. Thanks!”
Tapos eto pa!! ni-hug nya ko!!
ni hug nya akooooooo!!!!
……………………..
Dear Pam,
Salamat sa pag-tulong mo sakin sa araw-araw na homework
Thanks din kasi everytime na ang nanghihina ako ikaw yung nagpapalakas ng loob ko. Remember noong
kinder pa tayo? Noong nakita ni Miss Eura si poy(yung alaga kong pagong)? Bigla mo sinabing kanina pa hinahanap yun ng Janitor
kasi nawala ni miss principal sa office nya? haha nakakatuwa lang.. Siguro naman hindi mo ako nakalimutan
Lagi mo na lang ako tinutulungan sa mga bagay bagay feeling ko nga guardian angel kita eh.. haha dyahe lang kasi
hindi ako makapag-pasalamat sayo ng personal tapos ngayon dito ko na lang sinasabi yung lahat sa sulat..
Well.. hmm..
Thanks Pam ah! kasi ikaw rin yung naging reason kung paano ko sya nakita.. Ikaw yung tumulong sakin
para mas mapalapit ako sakanya. Masaya ako noon, kasi nung nakita kita sa english class naisip kong dun na rin ako mag-take ng
subject sa class nyo kasi nandun ka.. Tapos hindi ko akalain na nandun rin pala sya.
Tinry kong iapproach sya kaya lang wala kasi akong lakas ng loob
Naalala ko pa yung biro mo kay Jake sa science lab. Na ang torpe torpe nya, na bakit kasi hindi sya gumawa ng paraan kung gusto nya talaga ang isang tao.
Doon lang ako nag-karoon ng lakas ng loob. Kaya naisip kong makigroup sa inyo kahit alam kong wala akong kwentang kagrupo
Tapos buti na lang hindi mo ako tinanggihan
Sobrang saya ko noon kasi first time ko syang nakausap at first time ko rin syang nakatabi.
Simula noon nakakasabay na ako sa inyo tuwing break time
nalaman ko na yung full name nya,
yung address nya, yung contact number nya..
haha nakakatawa nga eh, kasi nalaman ko magkapitbahay lang pala kaming dalawa
Thanks Pam! dahil sayo nakilala ko Janine.. Laki ng utang na loob ko sayo
you’re my angel! Thanks a lot! sana maging Happy ka..
- Memo
PS: thanks pala sa sa jamming tuwing friday! at sa gift mo
hahaha sorry masyadong madaldal yung friend mo
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Search
Latest Comments :)
- alvin "dee": grabe.. i love it mee! thankyou so much!! i will...
- Abi: Ang sarap ng pakiramdam na yan. Sana naisulat ko yan...
- abi: koreeek!!! amen to that!...
- saiwai: thanks!! :D...
- abi: awwww let's go to cartimar naaaooo....
- abi: you'll get there :)...
- Rommel: tama ka crush .. :)...
- reyes_ricky: emo!...
- red&blue: inom n boy!...
- potpot: thumbs up!!...
Favorite nila :)
- Wag gawing sagot ang pagpapakamatay… (524)
- Pain Fade Away (377)
- footbridge (306)
- Anino ng Sakit ko.. (part1) (301)
- fall to pieces.. (283)
- Unexplainable (273)
- gusto kong matutong mag bike.. (257)
- Fresh In my Sight.. (238)
- Anino ng sakit ko…(part2) (238)
- move on pero may hesitations.. (233)
Blog List
- Talaarawan
- pandesal at garlic bread
- C = change
- when buraray meets Boracay!
- Planner
- pangalawang perslab :P
- Frown
- Sand clock.
- tamad rin.
- xD
- :D
- ...
- ..
- Happy days :)
- build a bridge, and get over it :)
- Type type type..
- Hanggang pangarap ka lang sai :)
- Isa kang alamat!
- isang linggong nagsosolo
- Hindi dapat.
- Ikaw kaya?
- Mga planong hindi natuloy. Mga wala sa planong natuloy, at mga planong hindi sana natuloy.
- Mix emotions
- Him
- J.N.C.
- Edukado?
- andibaing
- If you had unlimited resources what would you create?
- Mind distractions
- The last goodbye and reminisce..




