Planner
June 28, 2011dahil sa pagbabasa ng blog ni ate abi
naisipan ko ring gumawa ng new entry ..
…
Ilang araw na rin ang lumilipas na halos araw-araw kaming mag-kasama, na halos oras-oras kaming mag-kausap.. na parang wala na kaming iniisip pang gawin o pag-usapan bukod sa kung kailan at kung saan kami magkikita.. Hindi na rin ako bata sa mga ganitong bagay.. Kaya nauunawaan ko ang kung ano talaga ang tunay na pagtingin ko sakanya.. At kung hanggang saan pa lang umaabot ang pagtingin na ito..
Halos 6 taon na rin kami magkakilala 4 na taon magkasama sa iisang eskwelahan nung nasa college kami.. Iisang grupo ng barkada, magkakasama sa tuwing gagawa ng projects o assignments.. Iisa lang ang tinatambayan at iisa lang din ang pinag-kakainan.. Alam ang istorya ng bawat isa.. Ganon kami magkakilala.
Pero sa tagal naming magkasama at magkakilala hindi pumasok sa isip ko na darating ang araw na maiiba yung pakikitungo ko sakanya.. 2nd year kami sa college nang umamin sya sa kung ano ang nararamdaman nya.. Pero hindi ito tumatak sa isip ko.. Siguro nga tama yung sinabi nya.. “kasi sa iba ka nakatingin noon, kaya kahit anong sabi ko hindi mo napapansin, baliwala lang sayo.”
May iisa akong paniniwala sa sarili ko.. Na dapat kapag kaibigan ko, hanggang kaibigan lang .. Sa tuwing may magiging barkada nga ko na lalaki sinasabihan ko agad na okay lang maging bestfriend tayo pero ang kundisyon bawal tayo magkagustuhan.. Tapos tawa lang ang ibabalik sakin.. Kapag friends, friends lang.. Ganon dati..
Kaya noon dumating sa buhay ko na ang buong akala ko kaibigan parin ang pag-tingin ko sa isang tao.. yun pala higit na doon.. Totoo nga ang sabi nila na kung kailan hindi mo na kasama saka mo pa lang ma-aapreciate..
Pero yung pakiramdam ko ngayon ibang-iba parang alam ko agad na may pag-asang kainin ko lahat ng sinabi ko.. Na hindi ko rin akalain na magkakaroon ng exception.. Napa-isip pa nga ako , na bakit ngayon ko lang naramdaman yung ganitong bagay sakanya.. Kahit parang ang tagal na namin nagkasama at magkakilala, parang noong nakita ko ulit sya.. Parang ibang tao na yung humarap sakin..
Ayoko rin masyadong umasa. At sa totoo lang ayoko pa talagang mag-madali.
Gusto ko sana nasa ayos muna ang lahat, yung tipong sigurado na ako…
Minsan lang darating yung pag-kakataon na gusto ko agad yung taong nanliligaw sa akin.. Mas gusto ko rin sana mas ma-enjoy yung ganitong pakiramdam.. Kasi parang kahit gaano ko isipin na okay kami sa isat-isa, alam kong darating sa part ng pagsasama nyo na mamakalabuan kayong dalawa… Pero kung sakaling dumating man iyon at sya parin (sana naman) ang kasama ko..
Sana hindi na lang kami magaya ng tulad sa iba..
pangalawang perslab :P
June 23, 2011para kong highschool ulit.. yung may kilig factor .. namiss ko yung feeling na ganito.
yung tipong hindi naaalis yung smile sa pisngi mo..
yung parang everytime nasa cloud9 ka lang ..
tagal ko na rin hindi ito naramdaman, siguro 1st year college pa yung last! LOL ..
Hindi ko alam kung anong reason or kung kailan nag start pero, parang biglang nag ka-spark,
yung hindi ka aware na darating. Tapos ma-struck ka na lang. Yung ganon..
Sana hindi na mawala
Frown
June 8, 2011marunong akong mag-aapreciate ng ibang tao, Sobra.
sobrang nagpapasalamat ako kapag may mabuting bagay kang nagawa sakin.
maliit man to o malaki..
mabilis lang ako mainis, magalit. Pero ganon din kabilis mawala yung
galit at inis ko.
ayoko sa mayabang na tao.
ayoko sa mga taong hindi marunong tumanggap ng ibang opinyon. Sarado sa pananaw ng iba,
walang ibang tama kundi sarili lang nila. Mga taong INSENSITIVE at lalong lalo na
ang SELFISH.
At ayoko ng taong gumagawa ng sarili nyang istorya tas’ipapa-obvious pa nya sayo.
In short “papansin”.
Kung gusto mo talagang ma-aapreciate ka ng isang tao, tumulong at magpasaya ka ng walang
hinihinging kahit na anong kapalit. Hindi ka nagpapasaya o tumutulong para suklian ka rin.
Hindi tamang tignan. Hindi tamang asal.
Lahat naman kasundo ko. Kahit yung taong kinaiinisan na ng halos lahat ng tao sa mundo, nakukuha
ko paring unawin. Maliban na nga lang kung talagang suksukan sya ng KAYABANGAN.
Hindi ko talaga nakakasundo yung mga taong sing lakas ng bagyo kung mag-yabang, kulang na lang
tangayin na rin sila ng tsunami papalayo.
—————–
Simple lang naman..
Huwag kang mapilit kung ayaw sayo. Kung gusto mo talaga ang isang tao. Respituhin mo kung
anong maging desisyon nya. Magpa-pogi ka habang maaga. Hindi yung sa una pa lang eh pinapakita mo na
yung kasagwaan ng ugali mo.
Huwag ka masyadong bilib sa sarili mo.. Tama lang, pero yung sosobra? masama na yun.
Kasi wala kang makakasundong ibang tao kung pinipilit mong ikaw lang ang pinaka-magaling na tao
sa buong mundo.
Matuto kang maki-level. Matuto kang makiramdam. Matuto kang tumanggap ng opinyon. Matuto kang rumespeto,
pero bago mo magawa yun, pag-aralan mo munang respetuhin yung sarili mo.
Sand clock.
June 2, 2011Hindi talaga lahat ng bagay sa mundo eh pang habang buhay. Hindi sa lahat ng oras mananatiling nakatayo lang ang mga bagay na natatanaw mo. Hindi habang buhay mananatiling buo ang kulay na nakikita mo.
Parang buhay ng tao..
Martes ng gabi, kakauwi ko lang galing opisina. Ilang oras din pinilit makatulog, pero kahit pagod na ko.. Nanatiling gising parin yung pag-iisip ko. Nakatanggap ako ng tawag galing sa pinsan ko.. Balitang sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan na sa akin mismo sasabihin. Balitang kahit sinong tao sa mundo ayaw makatanggap nito..
Tumawag pinsan ko para sabihing wala na si tito..
Hindi ko alam kung ano irereact ko. Sa totoo lang feeling ko ilang oras lang ako napatulala, hindi ko masyadong sinusuksok sa isip ko yung narinig ko. Baka kasi mali lang.. pero, hindi pala biro. At alam ko rin namang hindi magbibiro ng ganon si ate.
Panandalian akong nanahimik pag kababa ng telepono , panandalian akong napatulala sa kung saang direksyon.
Hindi ko na lang napigilan ang patuloy na pag-buhos ng mga luha ko. Ang lungkot. Sobra. Ang hirap palang tangapin na wala na sila, na hindi muna sila makakasama, na hindi mo na sila makikitang tumatawa, na makikitang sumasayaw, na kumakanta
Na hindi mo na sila mayayakap pa. Na hindi mo na sila masasabihan pa kung gano sila kahalaga sayo..
Alam kong hindi natin hawak ang oras kung kailan tayo mag-tatagal sa mundo. Pero kung sakaling alam ko man.. Mas gugustuhin kong unahin kong mawala ang buhay ko kesa sa mga taong nakapaligid sakin.
Kasi…. Ayoko ng pakiramdam ng ganito….
ayoko ng pakiramdam..
ang pakiramdam na unti-unti ka nilang iniiwan.
Na sa isang iglap lang unti-unti mo silang nakikitang nawawala.
Hanggang sa hindi mo alam kung sino sino na lang kayong matitira. Kung sino pa ba ang aabutan mo.. at kung may aabutan ka pa rin ba.
Search
Latest Comments :)
- alvin "dee": grabe.. i love it mee! thankyou so much!! i will...
- Abi: Ang sarap ng pakiramdam na yan. Sana naisulat ko yan...
- abi: koreeek!!! amen to that!...
- saiwai: thanks!! :D...
- abi: awwww let's go to cartimar naaaooo....
- abi: you'll get there :)...
- Rommel: tama ka crush .. :)...
- reyes_ricky: emo!...
- red&blue: inom n boy!...
- potpot: thumbs up!!...
Favorite nila :)
- Wag gawing sagot ang pagpapakamatay… (576)
- Pain Fade Away (440)
- footbridge (353)
- Anino ng Sakit ko.. (part1) (339)
- fall to pieces.. (310)
- Unexplainable (299)
- gusto kong matutong mag bike.. (284)
- Fresh In my Sight.. (271)
- Anino ng sakit ko…(part2) (266)
- move on pero may hesitations.. (260)
Blog List
- Talaarawan
- pandesal at garlic bread
- C = change
- when buraray meets Boracay!
- Planner
- pangalawang perslab :P
- Frown
- Sand clock.
- tamad rin.
- xD
- :D
- ...
- ..
- Happy days :)
- build a bridge, and get over it :)
- Type type type..
- Hanggang pangarap ka lang sai :)
- Isa kang alamat!
- isang linggong nagsosolo
- Hindi dapat.
- Ikaw kaya?
- Mga planong hindi natuloy. Mga wala sa planong natuloy, at mga planong hindi sana natuloy.
- Mix emotions
- Him
- J.N.C.
- Edukado?
- andibaing
- If you had unlimited resources what would you create?
- Mind distractions
- The last goodbye and reminisce..




