Masayahing bata )

tamad rin.

May 23, 2011

May 23 monday
kasalukuyang naka open ang adobe dreamweaver ko at isang index file, para masabi lang na may ginagawa ako kahit wala naman talaga :P

I started my day with a debate sa fb wall ko about RH Bill. Cool din pala ang pakiramdam na nakikipag debate ka sa wall mo. Haha pakiramdam ko kasi dati ay kayabangan lang yun at wala naman akong mapapalang grade o bayad kung makipag debate ako kaya di na lang ako sumasali at tinatawanan ko na lang ang mga posts na nababasa ko.. pero enjoy din palang sumali.

Nagising ako ng 4am para lang siguraduhing hindi na ako male-late sa office para iwas issue ng attendance. At kahit papano naman eh, naka abot ako maaga pa!

May 22
Ano nga ba ginawa ko ? hindi ko na matandaan!

May 21
Buong araw lang naman ako tulog sa boarding house mula May 22 ng gabi hanggang 3:00 ng hapon umalis ako ng mga 6pm para makipag kita sa best friend ko.
Pag pasok ko sa may trinoma napadaan ako sa area kung saan may mga taong may nag pra-prayer meeting (gathering). Kala ko normal mass lang,pero may napansin akong iba bawat isa sa mga umattend may nakasabit na parang name tag sa dibdib.

Pero imbis na names ang nakalagay mga uri ng sakit nila yung nakasulat. Influenza, Ovary infection, Poliomyelitis, urinary incontinence at may mga breast cancer, ovary cancer, lung cancer.. cancer… cancer…
pero hindi sila nahihiya sa kung anong sakit meron sila. Nakasabit pa sa dibdib nila imbis na pangalan ang nakalagay.

Hindi ko alam magiging pakiramdam ko. HAbang naglalakad ako sa pagitan ng mga taong may mas malaking problema sakin . Ako puso lang masakit sakin at ang ilang sakanila literal na puso ang sakit. Ako masakit ang ulo kakaisip ng kung ano anong bagay at ang iba may mga sakit sa pag-iisip pero patuloy parin silang ngumingiti. Yayakapin lang sila at papansinin malaking bagay na sakanila yun .. Ako tong nakakalakad ng diretso at nakakakita ng maayos(kahit papano) ako pa yung may ganang sisihin yung mundo kung bakit parang ang unfair nya sakin. .

Naisip ko nga ang kapal naman ng mukha kong malungkot samantalang yung mga may ganitong problema sa buhay nakukuha parin nilang tumawa, ngumiti at makisaya. 

Posted by saiwai at 11:56 am | permalink | Add comment

xD

ibaon na sa limot ang malulungkot na kahapon XD

Posted by saiwai at 11:51 am | permalink | Add comment

:D

ibaon na sa limot ang malulungkot na kahapon :)

Posted by saiwai at 11:50 am | permalink | Add comment

ibaon na sa limot ang malulungkot na kahapon

Posted by saiwai at 11:48 am | permalink | Add comment

..

ibaon na sa limot ang malulungkot na kahapon :)

Posted by saiwai at 11:46 am | permalink | Add comment