Masayahing bata )

Writer’s block (part 1)

March 13, 2010

 

 

Bata pa lang ako mahilig na akong mag-sulat pinangarap kong magkaroon ng sariling libro at makita ang mga likha ko sa mga sikat na bookstore, at kilalanin ako bilang isang sikat na manunulat. Pero, habang lumilipas ang panahon may mga bagay akong nadidiskubre sa sarili ko,

Bagay na di normal bilang isang taong kagaya ko..

Bagay na di ko akalaing pagsisisihan ko…

 

          Labing tatlong taon na ang lumipas nang bumalik akong muli sa kinilala kong tahanan. Sa bahay ng aking kinilalang ina, si tita Annie.Simula ng mawala ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, si tita Annie na ang nagpalaki sa akin.

            Labing tatlong-taon na ako nung umalis ako sa Pilipinas, upang pag-aralin ng isa ko pang tiyahin na si tita Lanie, pero sa kasamaang palad namatay din sya sa tahanan naming sa amerika. Dalawangpu’t tatlong gulang na ako, masasabi kong sa bata kong edad natupad ko na ang matagal ko ng pangarap, ang maging isang manunulat.

            Kinilala ako sa Pilipinas maging sa iba ring bansa, maraming beses na rin akong pinarangalan at binansagang pinaka batang manunulat.

            Sa dalawang taon kong pagsusulat nagpasya akong baguhin ang tema ng mga likha ko.. Gumawa ako ng mga horror stories at sa pangatlong taon ko mas kinilala ang makabago kong likha, mas dumoble ang popularidad ko. Ang iba sa mga sinulat ko ginawa nila ng iba’t-ibang pelikula.Ang pag-ugong ng pangalan ko sa industriya, kabaliktaran ng pisikal kong pagkatao..

Kilala nila si Sarah bilang isang manunulat pero, di nila kilala si Sarah bilang isang tao.

 

Maaliwalas ang panahon ng lumabas ako ng bahay, nagulat si tita Annie sa paglabas ko. Halos mag iisang buwan na akong nakauwi pero ngayon palang nya akong nakitang lumabas ng bahay. Binati ko sya sabay sakay sa sasakyan di ko na hinintay pang makipag-usap sya sa akin.

            Nag-umpisa kong isara ang pinto ng sasakyan, napatingin ako sa salamin may isang babaeng nakatitig sa akin. Napahinto ang paghinga ko ng mga ilang oras, hindi ako nakaimik ng bigla syang tumawa. Pasigaw kong binigkas ang pangalan ng pinsan kong si Clarie, habang naiinis ako at inaalis ang kaba sa dibdib ko sya namang tawa ng pinsan ko.

Inaya nya kong mamasyal dahil kaarawan nya at di ko alam kung paano nya ko napapayag sa gusto nya. Di ako sanay makihalubilo sa iba maliban sa publisher, editor at mga close kong kamag-anak.

            Madilim na ngunit nasa mall parin kami ng pinsan ko, nasa sulok lang ako habang nagsusukat sya ng mga damit na regalo daw nya sa sarili nya. Bumili ako ng isang red dress para sakanya habang abala sya sa pagsusukat. Surprise gift ba, di ko alam kung magugustuhan nya gift ko dahil di ako nagsusuot ng mga ganitong damit basta may masabi lang na may gift ako ayos na yon!

            Nag-iisa lang akong nakaupo sa customer seat ng boutique kung nasaan kami.. nag-umpisa kong paganahin ang pag-iisip ko para sa sususnod kong kwento. Isang lalaki ang nasa imahinasyon ko nakaupo sa kabilang dulo ng kinauupuan ko, tulad ng mga karakter sa horror stories duguan ang lalaki pero nilagyan ko ng kakaibang twist inalis ko ang kalahati ng mukha ng lalaki sa unti-unting pagbuo ng karakter sa isip ko, nakaramdam ako ng panlalamig ng buo kong katawan parang dahan dahang nagsisikip ang dibdib ko’t bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Ang lalaking nasa imahinasyon ko unti-unting nagkakatotoo.

            Sandaling nanahimik ang buong paligid tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig, sa tagal- tagal kong nagsusulat ng mga nakakatakot ngayon lang sa aking nangyari ito, ngayon lang ang pakiramdam na ito..ngayon lang.. wala akong hanging nararamdaman di tulad sa mga pelikulang napapanuod ko.

            Lalo akong di makahinga ng unti-unting nabuo ang pigura ng lalaki, pula ang suot nya at puno ng dugo ang buong katawan, buto’t balat ang duguan nyang mukha, unti-unti gumagalaw ang ulo nya paharap sa akin sa pag-kaharap nya di ko mapigilang maiyak, ang kalahati nyang mukha ay naaagnas na …. Nag iba ang pakiramdam ko uminit at biglang naglakit ang kaliwa kong balikat, at dahan-dahan kong nilingon ito.. ang kalahating mukha ng lalaki ang bumungad sa akin. Di ko magalaw ang katawan ko, hanggang sa nagsalita ang lalaki at inaaya nya kong umuwi..

 

Lumiwanag ang buong paligid nawala na ang lalaki sa imahinasyon ko, ngunit ang pakiramdam ko di nagbabago.

Mula sa fitting room lumabas ang pinsan ko, nag-paalam sya sa akin na pupuntahan nya ang kaibigan nyang naghihintay sa may parking lot. Tumungo lang ako at nagpasyang magpaiwan sa foodcourt kung saan mas marami akong makikita. Ilang minuto pa ang lumipas tumawag na ang pinsan ko at inaaya nya na akong umuwi…

Sa pag-baba ng phone ko, paulit ulit kong narinig ang huling salita ng pinsan kong humi-hinang bumubulong sa isip ko, napatakbo ako kung saan naroroon ang pinsan ko. Sa pagtayo ko sa upuan nadulas ang isang crew , may hawak na matalim na bagay na kamuntik ko ng ikamatay. Di ko ito masyadong inintindi at tinuloy ko ang pagtakbo patungo sa pinsan ko. Sa parking lot bumungad sa akin ang maraming tao. Hinanap ko agad ang pinsan ko , sa dinami-rami ng tao napansin ko ang isang lalaking pamilyar sa isip ko. Muli nanamang nanlamig ang buo kong katawan ngunit dahan-dahan ko paring hinakbang ang mga paa ko patungo sa sentro ng pinagkaka-guluhan ng mga tao. Isang duguang babae at puno ng dugo ang paligid nya nakasaliw sa pulang damit na suot nya.

Napaluhod ako at humagos ng luha ng Makita ko ang hati na mukha ng babae,

at ang kalahati ay nasa paanan ko..

wala akong ibang maisip kundi ang umiyak ng umiyak nawala lahat ng takot na naranasan ko napalitan ng luingkot at galit sa sarili ko…

Galit at pagsisisi na sana sinamahan ko ang pinsan ko lumabas patungo sa kaibigan nya..

Na sana kahit papaano may magagawa pa ako..

Para mabuhay sya..

Para sana buhay pa pinsan ko…

Posted by saiwai at 6:28 pm | permalink

Previous Comments

i love it very good for the first timer!

Posted by guest at March 13, 2010, 7:13 pm

Kewl… Scary yet amaze

Posted by Francis at March 13, 2010, 7:53 pm

bitin tah…hahahaha…nabitin ako..hahahaha..more!!More!!!!!

Posted by xoefia at March 13, 2010, 9:29 pm

nice! galing eh.. kso ndi ako mk2log..xD

bitin!

Posted by ipen at March 25, 2010, 11:25 pm

thanks!! :D

Posted by saiwai at May 31, 2011, 12:09 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment