Masayahing bata )

Pain Fade Away

January 2, 2010

Ang tagal ko nag-isip bago ako nagsimulang magsulat. Tagal ko na rin huminto para makapagsulat ng bago..

Naniniwala kasi akong kailangan unahin ko muna lahat ng dapat kong gawin sa school bago ako gumawa ng bagong blog na ipopost ko sa net. Pero ginagambala ako ng pag-iisip ko. Nag-umpisa ito ng magka-usap kami ng pinsan ko kagabi.. Kala ko matatapos na ang pag-iisip ko sa pagpikit ng mga mata ko. Hindi pala..

 

Nagising ako pero nakatambay parin sya sa imahinasyon ko.. di ko kaya baka sumabog pa utak ko at mag mistulang may fire works display sa amin. Kaya idinaan ko na lang dito.

 

Nagsimula ang usapan naming kung nag fafade ba talaga ang love? Korni ko no? pero binagabag talaga ako. Medyo may pag ka bitter at medyo nagka migraine ako sa tanong ko. Pero tulad ng sabi ng pinsan ko na sinang ayunan ko rin naman, “Malamang hindi love yun kapag nag fade”.

Pero kahit gaano katibay ng statement may comma parin ito at di natatapos sa period. Tulad ng papel na sinusulatan ko ngayon.. kahit gaano sya kalinis at kasing puti ng una. Nagkamantsya parin ito. Salamat kay ondoy nag-iwan sya ng bakas sa paboritong notebook ko. Kalakip ng notebook kong ito ay lahat ng class picture ko na iningatan ko simula kinder pero lahat ng iyon nasira at walang naisalba.

 

Tulad nga ng sabi ko kahit gaano katibay at kasaya ng samahan nagkakamantsya parin ito. May mga bagay na naaayos pa at pwedeng simulan ulit ng bago ngunit, meron din kagaya ng mga class picture ko na kahit anong gawin mo wala ng bagong maaayos, di mo na maaalis ang stain kasi nag fade na.

 

Pero wala pa ring kinalaman yun sa gusto kong sabihin. Siguro kahit papano may koneksyon naman..

Meron kasi minsan sa buhay ng isang tao may pinanghihinayangan ka.. sabi ko nga “Absence makes the heart grow fonder and That’s when you realize there’s no turning back..”

 

Bigla mong mami-miss sabay kasama na ang pagbibigay ng sariling sitwasyon sa sarili mo, Kung pano kaya kapag? Sana ganito na lang… Bakit kaya hindi? Bakit kaya oo?

 

Minsan kailangan tanggapin din natin sa sarili natin na tayo ang mali. Mali ang desisyon, mali ang sagot, maling ugali, maling ipinakita. Kailangan pala kung minsan alisin ang tinatawag na pride. Huwag mo ng hintaying marinig na sasabihin sayo na “lagi naman ako ang may kasalanan”.

 

Hindi sa lahat ng oras na sa kamay mo ang batas. Hindi naman mahirap magsabi ng sorry lalo na sa mga taong mahalaga sa iyo diba?

 

Hindi rin masama na sa pagpasok ng bagong taon may mabuti ka namang magawa. At kung meron ka nanaman nito. Hindi rin naman masama na dagdagan pa.

 

Posted by saiwai at 12:54 pm | permalink

Previous Comments

^^

Posted by saiwai at January 5, 2010, 8:01 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment