Masayahing bata )

Wag gawing sagot ang pagpapakamatay…

September 21, 2009

 

(3rd floor of SM sa likod namin ngyari lahat)

Friday , SM City Fairview

 

Sept. 18, 2009 Pinaka malas na araw para sa amin ng pinsan ko ,… Sa kung anung kadahilanan hindi ko alam,

umaga pa lang puro kamalasan at kagugulat na pangyayari na bumubungad sa akin.. 

Tanghali, Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko para matulog… Pero imbis na matulog kwentuhan ang inabot namin,,,  Nagpasama sya sa akin para kunin ang kaunaunahan nyang sweldo para ibigay sa tita ko,, 4pm magsasara ang banko at 3:50 kami dumating. Pero “sorry were close” na lang ang nakita namin.. Wala ng choice kundi mag hintay sa kung anung irereply ng tita ko.. Malas nag sayang lang kami ng pamasaheng makakabili ng Mcburger at isang Mcfloat.. Pinapunta kami sa SM City Fairview ni tita para itreat, buti na lang gutom na kami eh!

salamat kay tita sa treat nabusog kami..

9pm pa pasok ni ate kaya may panahon pa kami para gumala at maglakad-lakad.. Nakalibot, nakakain, nakainom, nakitingin.. paalis na kami.. pero bago kami makalabas ng SM may isang pangyayari kinalambot ng tuhod namin ni ate..

4th floor, StoryLand.. Ground Floor tapat ng foodcourt..

Ganyan ang shortcut trip ng taong naabutan naming naka handusay mula sa ground floor.. Kala namin may mag inang sirenang pinagkakaguluhan mula sa Center Field ng mall pero hindi pala.. Sa mga sandaling un di namin alam ang irereact .. Gusto ko malaman kung anu ngyari kaya nagtanong na rin ako… “Estudyante hawak hawak pa nga ung uniform nya eh, kala namin manikin un pala tao na”  ..

Rason?di ko alam..Pero isa lang ang confirmed, Suicide ang nangyari..

Kahit siguro kasing bigat na ng Earth ang dala dala ko,.di ko parin ma-tritripang tumalon mula sa top floor to ground floor, Maglaslas sa leeg oh mag patangay kay Optimus Prime, maging mag pasabit na parang damit..

Maraming problema sa mundo , walang taong walang problema ayun ang alam ko.. Pero ang gawing sagot ang magpakamatay, parang pumatay ka na rin ng ibang tao..sabi nga kung alam natin ang future di tayo matututong magsisi pero sa mga taong di nahintay ang future nila…  pano pa nila malalaman na ang pagsisisi ay isa sa pinaka importanteng aral na binigay ni GOD..

Kaya nga hindi nauubos ang bukas eh… para itama mo ang mga maling nagawa mo kahapon..

 

Posted by saiwai at 12:46 am | permalink

Previous Comments

cool ata ung magpasagasa kay optimus prime buraray.. wahaha

Posted by anne at September 21, 2009, 1:32 am

hahaha

Posted by saiwai at September 22, 2009, 12:50 am

hehehe kuLit nitO aH pwaNg tOtoo.. hahaha GaLing gaLing.. hakhak…(^^,)

Posted by justine at September 23, 2009, 12:59 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment