Masayahing bata )

Anino ng sakit ko…(part2)

September 17, 2009

Maaliwalas ang panahon bago kami umalis sa bahay, pero kinain ng dilim at malakas na hangin… Bago pa man bumuhos ang malakas na ulan nakarating na kami sa aming pupuntahan… Iba sa nakasanayan kong lugar nakakita ako ng ibang mga tao bukod sa mga taong nakasanayan ko , may mga kung anu anong nakapinta sa paligid. Mga malalaking manika na may pakpak at Isang may pasan pasan na malaking krus sa balikat…

Bakas sa mukha ko ang kasiyahan, nakalimutan kong lumalayo na ako mula sa kinatatayuan ng aking mga magulang… Mula sa malaking bintana ng malaking gusali gumuhit ang nakakasilaw na liwanag galing sa madilim na kalangitan, namangha ako ngunit pagkatapos nito’y isang malakas na tunog ang sumagot, nabasag ang malaking salamin. Natakot ako at napatakbo pero sa paglingon ko anduon ang kaibigan ko.. Sinasabayan ako sa pagtakbo at dahil doon napanatag ako.

 

Patuloy ang buhos ng ulan, patuloy na nagbabadyang hindi na sya titigil. pero ayos lang iyon kasama ko parin sya nakaupo kami sa isang bangketa kaharap ang isang poste na nagbabadya naring bumigay dahil sa malakas na hanging dala ng ulan..

Lumipas pa ang Ilang minuto masama na ang pakiramdam ko.. pero tinitibayan ko ang sarili ko para sakanya, di sya nagsasalita pero alam kong takot na ang nararamdaman nya kaya sya nasa aking likuran..

Nag-umpisa na ang kalbaryo ko .. patuloy na akong inuubo.. at habang tumatagal dumadami na ang dugo na nasa palad ko..Nagulat akong ganoon rin ang nararamdaman ng aking kaibigan.. di naming magawang alalayan ang bawat isa.. pero, nasa tabi ko parin sya laging dumadating sa oras na nangangailangan ako ng tulong, kaya kailangan kong tibayan ang sarili ko para sa aming dalawa..

 

Gumuhit ang ngiti sa aking labi narinig kong may tumatawag sa pangalan ko.. mula sa maka-ibang direksyon patungo sa kinalalagyan namin.. Nagulat ako sa nakita ko.. dalawang kamukha ng kaibigan ko ang paparating, marahil sinusundo na sya ng mga magulang nya.Lalo akong natuwa ng makita ko ang aking mga magulang kasunod ang mga magulang nya. Napangisi ako at napatawa, siguro magkakaibigan din sila… ..

Sabay kaming tumayo at tinawag ang mga magulang namin.. Sabay kaming yumakap ng mahigpit at umiyak.. sabay kaming tumawa at sabay sabay kaming umuwing nawala ang pangamba.

Nagkaroon ako ng pagkakataong ikuwento ang lahat kila mama… Nalaman kong simbahan ang tawag sa gusaling aming napuntahan. Jesus pala ang pangalan ng manikang may pasan ng mabigat at malaking krus at mga anghel pla ang iba pa…

 

Paakyat sa kwarto nagtaka akong kasama ko parin ang kaibigan ko.. Tinanong ko sakanya kung nakapag paalam na ba sya sa mga magulang nya .. Pero di na to tulad ng dati.. humarap si mama sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.. niyakap nya ako ng mahigpit naramdaman ko ang mainit na tubig na dumadaloy mula sa balikat ko..  nag umpisang patayin ang nakasinding ilaw mula sa pinto ng kuwarto ko, napangiti si mama at sinabing matulog na ako.. Tumanggi ako sabi ko magkwekwentuhan pa kami ng kaibigan ko,. Pumasok mula sa bintana ko ang malamig na ihip ng hangin kasabay ng malumanay na salitang di ko lubos na naunawaan..

 

“Anak, makakahanap ka rin ng kaibigan maliban sa Anino mo..”

 

at nagumpisa ng tumulo ang luha ko….

 

Posted by saiwai at 12:11 am | permalink

Previous Comments

tah gnda nman fo love 8.. =’)

Posted by abby at September 17, 2009, 8:21 pm

wee hehe thanks tah ^^

Posted by saiwai at September 17, 2009, 8:33 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment