Anino ng Sakit ko.. (part1)
September 16, 2009Patuloy ang buhos ng ulan, patuloy na nag babadyang hindi na sya titigil pero ayos lang iyon kasama ko parin sya nakaupo kami sa isang bangketa kaharap ang isang poste na nagbabadya naring bumigay dahil sa malakas na hanging dala ng ulan..
Masaya akong nagkukwento ng ngyari sa buong araw ko, siguro nasisiyahan din sya sa pakikinig sa akin di man sya nagsasalita alam kong panatag rin sya tuwing magkasama kaming dalawa… Masaya akong nagkaroon ng kaibigang tulad nya…
Wala akong kaibigan noong bata pa ako mag-isa kong inaaliw ang sarili ko sa paglalaro ng tautauhang bigay sa akin ng ama-amahan ko sa loob ng apat na sulok ng madilim kong kwarto,kung saan namuhay ako ng higit na sampung taon simula ng magkaisip ako. Sa pang labing isang taon kong kaarawan nakakita ako ng liwanag, sa unang pagkakataon nakalabas ako sa apat na sulok ng mundo ko. At sa unang pagkakataon nakakilala ako ng isang kaibigan
Iba ako sa mga normal na tao… may sakit akong dala dala ko sa lumipas na labing isang taon ng buhay ko… Hindi ko hangad na kaawaan ako, pero gusto kong maramdaman na kahit papaano may karamay ako.. Kaya ng makilala ko siya di ko alam kung paano ko mapapaliwanag yung kasiyahan ko. Siguro, nakita ko ang sarili ko mula sakanya kaya agad ko syang nagustuhan. Bukod sa akin wala naring ibang kumakausap sakanya. Dahil hindi sya nakapagsasalita di ko alam kung san sya nakatira? sinong mga magulang nya? ano ang nararamdaman nya? ang PANGALAN nya? at kung masaya ba sya sa tuwing magkasama kaming dalawa? kasi ako, SOBRA….
Linggo ng umaga, aalis ang buong pamilya at unang araw kong aalis kasama sila… Sa unang pagkakataon makakalabas ako sa loob ng kinikilala kong tahanan. Umupo ako sa sala hinawakan ang lamesang galing pa sa lola kong sa pagkamatay nya ay pinanganak naman ang sakit ko… Wala paring pinagbago matibay parin ito kahit bakas na ang mga gasgas ng lumipas na taon.. Nag-iisang anak lang ako ng pamilya, nag-iisang may dala-dala ng maraming problema, sabi ng mama ko mahalin ko ang sarili ko gaya ng pagmamahal nila sa akin. Pero para sa akin malas sila at naging anak nila ako…Sa halip na kasiyahan sakit pa ng pamilya ang dala ko..
Naramdaman ko ang malambot na kamay ni mama hawak-hawak ang kamay ko na mahigpit na nakakapit sa mainit at malambot nyang mga palad… Sa likod ni mama naroroon ang aking kaibigan, nais rin nya siguro sumama samin… napangiti ako at nagtaka, mukhang mabilis syang lumaki at magbago ng itsura napaisip tuloy ako kung ilang taon na ang pagitan naming dalawa… Pinakilala ko sya kay mama pero sinagot lang ako ng ngiti at mahigpit na yakap , sana di minasama ng kaibigan ko ang di sakanya pag-pansin ni mama…..
Previous Comments
hahaha tokwa ate kwento ko lang yan
Posted by saiwai at September 17, 2009, 2:19 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Search
Latest Comments :)
- alvin "dee": grabe.. i love it mee! thankyou so much!! i will...
- Abi: Ang sarap ng pakiramdam na yan. Sana naisulat ko yan...
- abi: koreeek!!! amen to that!...
- saiwai: thanks!! :D...
- abi: awwww let's go to cartimar naaaooo....
- abi: you'll get there :)...
- Rommel: tama ka crush .. :)...
- reyes_ricky: emo!...
- red&blue: inom n boy!...
- potpot: thumbs up!!...
Favorite nila :)
- Wag gawing sagot ang pagpapakamatay… (575)
- Pain Fade Away (439)
- footbridge (353)
- Anino ng Sakit ko.. (part1) (338)
- fall to pieces.. (309)
- Unexplainable (299)
- gusto kong matutong mag bike.. (283)
- Fresh In my Sight.. (271)
- Anino ng sakit ko…(part2) (265)
- move on pero may hesitations.. (260)
Blog List
- Talaarawan
- pandesal at garlic bread
- C = change
- when buraray meets Boracay!
- Planner
- pangalawang perslab :P
- Frown
- Sand clock.
- tamad rin.
- xD
- :D
- ...
- ..
- Happy days :)
- build a bridge, and get over it :)
- Type type type..
- Hanggang pangarap ka lang sai :)
- Isa kang alamat!
- isang linggong nagsosolo
- Hindi dapat.
- Ikaw kaya?
- Mga planong hindi natuloy. Mga wala sa planong natuloy, at mga planong hindi sana natuloy.
- Mix emotions
- Him
- J.N.C.
- Edukado?
- andibaing
- If you had unlimited resources what would you create?
- Mind distractions
- The last goodbye and reminisce..






baka hindi cya anino.. dont say… may kambal kang impakta? sau lang xa nag papakita… kelan mo sasakupin ang buong sta. monica? ahahaha
Posted by potpot at September 17, 2009, 2:06 am