Masayahing bata )

Talaarawan

July 27, 2011

Monday nakatulala sa pc ko nag-aantay ng pm mo…
Tues nakatulala sa cellphone, baka sakaling maligaw ang text mo…
Wednesday nag-aantay ng plano para sa friday gala, para naman makita kita..
Thursday, nag-dadasal na sana matapos na ang araw para naman friday na …
Friday…. Masaya ako kasi alam ko makikita kita :D
Saturday, matutulog lang ako para mapaginipan ko yung memory ng magkasama tayo :P
Sunday!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaa nababaliw na ako!

Jan. 10
Hay college! ayoko nanamang pumasok.. ayoko nanaman gumawa ng projects! tinatamad na
ako mag-aral kung pwede lang sabihin kay mama na dito na lang ako sa bahay at mag tatrabaho
na lang ako.. Kaya ko naman siguro buhayin sarili ko. Nagkakapera naman ako sa mga
art crafts ko.. Saka sa pagtugtog, sa pag-paint, sa pag-susulat.. sa paglu.. oo nga pala
hindi ako marunong mag-luto erase erase erase…

Jan. 23
10:00 am
Yehey! aga natapos ang exam :) tambay dito sa library baka makakita ng book na makakatulong
naman sa pagpatay ng oras ko. Naman 3 oras pa ang itatambay ko para sa next class.
7:00 pm
Masaya akong nakauwi ng bahay. May new classmate kami sa english101 feeling ko nag-kita na kami..
12:00 am
OMG!! naalala ko na kung sino sya! waaaaaaaaaaa.. GOODNIGHT :D

Jan.24
Excited ako pumasok para sa English class namin kasi… kasi may gusto akong makita :P

1:30 pm
2 seats lang ang pagitan namin kanina … kilala pa ka nya ako?

Jan 28
Waaa mag ka group kami sa class kanina at naki seat-in pa sya para sa science class namin.. sa darating
na foundation day mas matagal ko sya makakasama.. Kasi pinili nyang makigrupo samin :)
feeling ko naaalala na nya ako, hindi lang nya inaamin..

Feb. 2
Nandito sila kanina para sa group project namin! late na sya dumating ..pero at least dumating parin sya! lungkot ko nga eh kasi akala
ko hindi na sya pupunta :P pero siguro naman concern rin sya sa grade nya.. Sabay sila ni Janine,
bigla ko nga naisip sana pala nag umattend ako ng mass kanina, kasi dun sila nagkita . Edi sana nakasabay ko rin sya!
naman ! T_T

Feb.6
Sumabay sya samin sa break time!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Feb.8
Halos malapit lang pala yung bahay nya sa school! at halos magkapitbahay lang din sila ng bestfriend ko! waa
Hahaha parang mas madalas ako mapapatambay sa bahay nila Jha :P

Feb.10
Oo na! nahihirapan na ako! nahihirapan na ako mag-isip kung anong ibibigay kong Valentines gift para sakanya. :(
malay ko ba kung ano gusto nya. Saka baka naman ano pa isipin nya.. Saka baka naman kapag malaman nya layuan na nya ako.

Feb.11
Nagpasama ako kay Janine sa Divisoria para bumili ng turtle.. bakit turtle? naalala ko kasi nung
kinder kami sa may playroom lagi nyang dala yung alaga nya na poy daw ang pangalan.. Well, sinabi
ko na lang kay Jha na gift namin yun para sakanya, kasi lagi nya kaming treat every friday jamming :P
Then the other day nung papunta ako kila Jha nakasalubong ko sya pauwi sakanila may dala dala rin syang turtle. Ahaha si poy parin kaya yun?
Gusto ko sana sya batiin kaya lang natulala lang ako nung pagdaan nya naman!.. Pero ang pinaka masaya sa non..
Binati nya ako kaya bumalik ako sa katauhan ko :P

“hanginin ka dyan. Nakatulala ka lang”

weeeeeeeeeeeeeeee!!!

Feb.14
May gift sya sakin!!!!!!!!!!! waaaaaaaaaaaaaaa waaaaaaaaaaaaaaa waaaaaaaaaaaaaaaaa

Ayoko pa basahin nakakainis!! waaaaaaaaaaaa kinakabahan ako hahahah hindi ko alam kung ano gagawin ko!
mamatay na ako sa kilig!

Nakatayo lang ako kanina sa may library kanina. Nag-iisip kung pano ko ibibigay sakanya yung gift ko :P
Pag lingon ko andun na sya sa likod ko nakatingin na sakin :”> Tapos sabay nyang inabot yung letter and flowers!!
waaa.. Sabi nya sakin! ” Sorry ah.. Nahihiya akong lumapit. Thanks!”
Tapos eto pa!! ni-hug nya ko!!
ni hug nya akooooooo!!!!

……………………..

Dear Pam,

Salamat sa pag-tulong mo sakin sa araw-araw na homework :P
Thanks din kasi everytime na ang nanghihina ako ikaw yung nagpapalakas ng loob ko. Remember noong
kinder pa tayo? Noong nakita ni Miss Eura si poy(yung alaga kong pagong)? Bigla mo sinabing kanina pa hinahanap yun ng Janitor
kasi nawala ni miss principal sa office nya? haha nakakatuwa lang.. Siguro naman hindi mo ako nakalimutan :)

Lagi mo na lang ako tinutulungan sa mga bagay bagay feeling ko nga guardian angel kita eh.. haha dyahe lang kasi
hindi ako makapag-pasalamat sayo ng personal tapos ngayon dito ko na lang sinasabi yung lahat sa sulat..

Well.. hmm..

Thanks Pam ah! kasi ikaw rin yung naging reason kung paano ko sya nakita.. Ikaw yung tumulong sakin
para mas mapalapit ako sakanya. Masaya ako noon, kasi nung nakita kita sa english class naisip kong dun na rin ako mag-take ng
subject sa class nyo kasi nandun ka.. Tapos hindi ko akalain na nandun rin pala sya.
Tinry kong iapproach sya kaya lang wala kasi akong lakas ng loob :P
Naalala ko pa yung biro mo kay Jake sa science lab. Na ang torpe torpe nya, na bakit kasi hindi sya gumawa ng paraan kung gusto nya talaga ang isang tao.
Doon lang ako nag-karoon ng lakas ng loob. Kaya naisip kong makigroup sa inyo kahit alam kong wala akong kwentang kagrupo :P
Tapos buti na lang hindi mo ako tinanggihan :P Sobrang saya ko noon kasi first time ko syang nakausap at first time ko rin syang nakatabi.
Simula noon nakakasabay na ako sa inyo tuwing break time :) nalaman ko na yung full name nya,
yung address nya, yung contact number nya..

haha nakakatawa nga eh, kasi nalaman ko magkapitbahay lang pala kaming dalawa :)

Thanks Pam! dahil sayo nakilala ko Janine.. Laki ng utang na loob ko sayo :P

you’re my angel! Thanks a lot! sana maging Happy ka..

- Memo

PS: thanks pala sa sa jamming tuwing friday! at sa gift mo :D hahaha sorry masyadong madaldal yung friend mo :P

Posted by saiwai at 3:48 pm | permalink | Add comment

pandesal at garlic bread

July 22, 2011

yeah this is life..

Kailangan mo lang makibalanse sa tamang andar ng panahon mo..

Kung hindi mo kayang sakyan kailangan magkusa kana lang bumaba, dahil kung hindi kusa ka nilang ihuhulog sa kina-uupuan mo..

Hindi madaling makisama sa mundong alam mong hindi pantay ang pag-tingin ng bawat isa sa inyo.. pero wala kang karapatang mag-reklamo kasi parte ka ng isang grupo na kahit isang indibidwal lang ang may gawa ng kasalanan, damay na ang lahat ng myembro nito.

Kaya kapag may kasalanan kang nagawa. Asahan mo kasalanan nyong lahat.. Ihanda mo na lang ang tenga mo pangsalo sa paninisi ng mga kasama mo.

——————

Naranasan mo na bang kumain sa loob ng 15 minuto? yung tipong hindi mo na maaalala kung ano pala yung kinain mo pagkatapos mo. Yung habang kumakain ka ang nasa isip mo lang “basta isusubo ko ito, kasi mauubos na oras ko.” Kung hindi lang siguro kailangan ng katawan ng enerhiyang magbubuhay sa kanya sa loob ng isang araw, ayos lang kahit di ka na lang mag-intake ng pagkain sa katawan mo. Kesa naman sa kakain ka, habang kinakalaban mo yung oras mo..

Para kang nakikipag karera.. Parang kang hinahabol ng asong gutom at ikaw yung napagtripang kainin.

——————

Pero ayos lang naman.. sabi nga nila hindi ka naman bibigyan ng parusa kapag wala kang ginawang mali.. Pero ang masama dun, yung sosobra.. Wag naman yung tipong mainit lang yung ulo mo, gusto munang kalbuhin lahat ng taong makikita ng mata mo.

Try mong makisama ng patas at maayos.. Para lahat masaya , saka yung walang bahid ng pulitiko. Hindi ka naman ahente ng Gobyerno.

Posted by saiwai at 1:46 pm | permalink | Add comment

C = change

July 13, 2011

“A corporation is a living organism; it has to continue to shed its skin. Methods have to change. Focus has to change. Values have to change. The sum total of those changes is transformation.”

 

- Andrew Grove

Posted by saiwai at 10:09 am | permalink | Add comment

when buraray meets Boracay!

July 11, 2011

After work at exactly 3pm umalis kami para pumunta ng Manila Domestic Airport para sa 5:10 pm na flight namin.. At kahit umuulan gora parin, kahit ang dami na naming lakad kakahanap ng taxi para maihatid kami sa patutunguhan namin. Buti na lang pagkalipas ng maraming lakad nakakuha na kami ng masasakyan.

At last check-in na kami at onting hintay na lang at malapit na kami makarating sa pupuntahan namin :)
45mins or less? di ko na napansin kasi naghaharutan lang kami sa loob ng plane. First time ko sumakay sa eroplano kaya sobrang excited ako kung ano yung pakiramdam haha sa sobrang excited ko nakalimutan ko na enjoyin :P

 

 

Mula sa Kalibo, sumakay kami ng van to Katiklan mga 2hrs siguro yung bhaye..Di naman nakakapagod yung byahe.. Kaya nagkwentuhan lang kami sa halos 2 oras na trip. Nang kami ay makarating sa Katiklan sumakay kami ng motor boat mga 20 tao ata yung kasya sa bangka.. Kaya lang sobrang gabi na nung nakarating kami.. Kaya imbis na matuwa ako ehh natatakot ako na baka biglang bumaliktad yung bangka! susme.. hindi pa naman ako marunong lumangoy! LOL

 Syempre hindi naman ganon katagal mga 15mins lang wala na kayo sa dagat.. Tricycle na lang sinakyan namin papuntang Boracay.. At yun at last! dumating rin kami ng safe.. 

 

Onting pahinga, at kain sa andoks para makapag dinner.. At syempre batiin ang birthday boy ni si kua Athan :) Pagkatapos nun diretso na kami para makapag-party party !!

 

Sarap sa pakiramdam maglakad sa sand ng Boracay! as in totoo nga yung description nila na parang panis na nido lang hahaha.. Pag kadating sa room ayun! bagsak kaming lahat  :P

Mga 8am na kami nakabangon para makapag breakfast sa Azuro kami nag rent ng room at meron din sila mismong restaurant dun.. Ayos naman sarap naman ng breakfast nag-order ako ng American breakfast (bacon, toasted bread, egg, beans).. At sobra akong nabusog sa bread at bacon, guilty lang sa pag-laki ng tsyan :P

Next destination? pumunta kami sa Grotto! nung una akala ko simbahan pupuntahan namin.. Eh hindi pa naman kami naka proper dress para mag-simba.. Sa station 1 yung Grotto so sumakay pa kami ng tricycle para makarating dun. Ito namang tricycle driver na sinakyan namin eh hindi rin alam kung san kami ipupunta ahahah!

  

Nag lunch kami sa may Jonas malapit lang din sa may Grotto.. At syempre nilakad lang namin pabalik sa station 1. Masakit sa paa kasi malayo yung lalakarin pero dahil sa itsura ng lugar mag-eenjoy ka na lang :P makakalimutan mo yung pagod..  Bago kami makabalik umikot narin kami para makabili ng kung ano man.. Dami dun mura haha kung marami lang ako pera pambili sayang! hahaha..

 

 Dinner? yes! bulalo sarap :) Syempre eto na ang last night namin kaya naman todo party na ito.. Sensored na lang yung ibang storya haha ..

Sobrang masyado talaga akong nag-enjoy! kaya pala ang daming tourist dito kasi ang ganda talaga ng Boracay :)   Wee.. kaya hindi ako magdadalawang isip bumalik dito :) I really enjoy it! salamat sa mga kasama ko!

   

 


 

 Hahaha nakakatuwa lang na nung umuwi kami eh nadaan kami sa bahang part ng Boracay. Still babalik parin ako :)

Posted by saiwai at 2:41 pm | permalink | Add comment

Planner

June 28, 2011

dahil sa pagbabasa ng blog ni ate abi :) naisipan ko ring gumawa ng new entry ..

 

Ilang araw na rin ang lumilipas na halos araw-araw kaming mag-kasama, na halos oras-oras kaming mag-kausap.. na parang wala na kaming iniisip pang gawin o pag-usapan bukod sa kung kailan at kung saan kami magkikita.. Hindi na rin ako bata sa mga ganitong bagay.. Kaya nauunawaan ko ang kung ano talaga ang tunay na pagtingin ko sakanya.. At kung hanggang saan pa lang umaabot ang pagtingin na ito.. 

Halos 6 taon na rin kami magkakilala 4 na taon magkasama sa iisang eskwelahan nung nasa college kami.. Iisang grupo ng barkada, magkakasama sa tuwing gagawa ng projects o assignments.. Iisa lang ang tinatambayan at iisa lang din ang pinag-kakainan.. Alam ang istorya ng bawat isa.. Ganon kami magkakilala.

Pero sa tagal naming magkasama at magkakilala hindi pumasok sa isip ko na darating ang araw na maiiba yung pakikitungo ko sakanya.. 2nd year kami sa college nang umamin sya sa kung ano ang nararamdaman nya.. Pero hindi ito tumatak sa isip ko.. Siguro nga tama yung sinabi nya.. “kasi sa iba ka nakatingin noon, kaya kahit anong sabi ko hindi mo napapansin, baliwala lang sayo.”

May iisa akong paniniwala sa sarili ko.. Na dapat kapag kaibigan ko, hanggang kaibigan lang .. Sa tuwing may magiging barkada nga ko na lalaki sinasabihan ko agad na okay lang maging bestfriend tayo pero ang kundisyon bawal tayo magkagustuhan.. Tapos tawa lang ang ibabalik sakin.. Kapag friends, friends lang.. Ganon dati..

Kaya noon dumating sa buhay ko na ang buong akala ko kaibigan parin ang pag-tingin ko sa isang tao.. yun pala higit na doon.. Totoo nga ang sabi nila na kung kailan hindi mo na kasama saka mo pa lang ma-aapreciate..

Pero yung pakiramdam ko ngayon ibang-iba parang alam ko agad na may pag-asang kainin ko lahat ng sinabi ko.. Na hindi ko rin akalain na magkakaroon ng exception.. Napa-isip pa nga ako , na bakit ngayon ko lang naramdaman yung ganitong bagay sakanya.. Kahit parang ang tagal na namin nagkasama at magkakilala, parang noong nakita ko ulit sya.. Parang ibang tao na yung humarap sakin.. 

Ayoko rin masyadong umasa. At sa totoo lang ayoko pa talagang mag-madali. 

Gusto ko sana nasa ayos muna ang lahat, yung tipong sigurado na ako…

Minsan lang darating yung pag-kakataon na gusto ko agad yung taong nanliligaw sa akin.. Mas gusto ko rin sana mas ma-enjoy yung ganitong pakiramdam.. Kasi parang kahit gaano ko isipin na okay kami sa isat-isa, alam kong darating sa part ng pagsasama nyo na mamakalabuan kayong dalawa… Pero kung sakaling dumating man iyon at sya parin (sana naman) ang kasama ko..

Sana hindi na lang kami magaya ng tulad sa iba..

Posted by saiwai at 1:28 pm | permalink | comments[1]